Trak at jeep nahulog sa bangin.. 30 pulis at 30 estudyante nadale
- V. Reyes
- Mar 1, 2020
- 1 min read

Photo: Aj Resane
Hindi bababa sa tatlumpung pulis ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang trak sa Alimodian, Iloilo, kahapon ng hapon.
Batay sa paunang imbestigasyon, mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng Philippine National Police Region 6 ang karamihan sa sakay ng trak na pabalik na sana ng kanilang kampo nang mangyari ang insidente.
Isinugod sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ang mga nasugatang biktima.
Samantala, nasa mahigit tatlumpung tao rin ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa Purok Balakayo, Bgy. Olympog sa General Santos City, kahapon.
Ayon sa inisyal na impormasyon ng pulisya, nag-overnight ang mga estudyante sa Sanchez Peak na isang tourist attraction sa lugar at pauwi na sa Polomolok, South Cotabato nang mahulog ang jeep sa bangin na may lalim na apatnapung talampakan.
Posible umanong nawalan ng preno ang jeep kaya hindi na ito nakontrol ng drayber nito.





Comments