top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Red tide alert sa 8 lugar sa bansa

V. Reyes
Mar 1, 2020
1 min read

Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang alerto ng red tide sa ilang baybayin sa apat na lalawigan sa bansa.

Sa ipinalabas na shellfish bulletin ng BFAR, natukoy na positibo sa mataas na antas ng paralytic shellfish ang mga baybayin sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; gayundin sa Irong-Irong Bay at San Pedro Bay sa Western Samar; Cancabato Bay sa Tacloban City at Carigara Bay sa Leyte; Lianga Bay sa Surigao del Sur at Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental.

Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR ang paghango, pagbebenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish sa nasabing mga lugar dahil hindi ito ligtas na ikonsumo.

Gayunman, nilinaw ng BFAR na maaari pa ring humuli at kumain ng isda, hipon at pusit ngunit, kinakailangan lamang na malinis nang mabuti ang laman-loob at maluto nang maayos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page