Petron tinalo ang Generika
- MC
- Mar 1, 2020
- 1 min read

Ginapi ng Petron Blaze Spikers ang Generika-Ayala sa bisa ng 3 sets (25-22 25-22 25-21) sa opening game ng 2020 Philippine Superliga Grand Prix kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Ipinarada ng nagdedepensang Petron ang bagong mukha nito sa pagsabak kontra Generika-Ayala. Kasunod na magsasagupa ang PLDT Home Fibr at Sta. Lucia Realty sa alas-7 ng gabi habang isinusulat ito.
Nauna muna ang isang simpleng opening ceremonies sa alas-4 ng hapon.
Ilang key players ang nawala sa Blaze Spikers ngunit nananatili itong matikas dahil nariyan pa rin si American super import Katherine Bell.
Nagkatuwang sina veteran hitters Aiza Maizo-Pontillas, Ces Molina at Remy Palma kasama ang bagong recruits na sina Rebecca Rivera, Ging Balse-Pabayo, Jem Gutierrez, Roselle Baliton at Angela Nunag. Bago rin ang head coach ng Blaze Spikers sa ngalan ni veteran mentor Emil Lontoc.
“Looking at the composition of Petron, it lost its main core that dominated the Grand Prix for the past two years. Many people are counting us out. But
I’m optimistic. I know these new set of players will step up the way they did during tune-ups and practices,” ani Lontoc.





Comments