top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Imbes maipagbili, lugi pa… Guwapong singer-actor-TV host, ipinabenta sa dating aktres ang P1.8 na al

  • Erlinda Rapadas T.
  • Mar 1, 2020
  • 1 min read

BLIND ITEM: Sising-sisi ngayon ang guwapong actor-singer-TV host (GAST) dahil ipinagkatiwala niya sa isang dating aktres ang alahas na worth P1.8 M na ipinabebenta sana niya para ma-settle ang kanyang mga bayarin.

Dahil sa husay ng bokadurya at convincing power ng dating aktres, hindi nagdalawang-isip ang GAST na ibigay dito ang kanyang alahas.

Dati, ang update raw sa kanya ng dating aktres ay may buyer na siya ng alahas at tumatawad na ibaba ang presyo nito sa P700,000, hanggang sa tumagal nang tumagal at inabot na nang buwan at taon, at tuluyan na itong hindi nagparamdam sa GAST.

Napagod at nagsawa na sa kasisingil ang GAST hanggang sa nabalitaan na lang niya na nagpunta na sa U.S.A. ang dating aktres at kinalimutan na ang pagbabayad sa kinuhang P1.8 M na alahas. Wala namang nagawa ang GAST at hindi maireklamo ang dating aktres dahil wala naman itong pinirmahang papeles ng alahas.

Malaking leksiyon na lang ito para sa nasabing GAST na huwag basta magtitiwala sa mga taong mala-anghel ang image.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page