top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 1, 2020 (Linggo)

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 1, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 1, 2020 (Linggo): Mababa ang loob mo, kaya madali kang magpatawad. Aabusuhin ng kapwa mo ang kabaitan mong ito, pero ito rin ang dahilan kung bakit ka pinagpapala ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Panatilihin mo ang pagiging kalmado sa harap ng mga sitwasyong nakakagalit. Kapag kalmado ang isipan, ang mga pangyayari ay papabor sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-16-20-24-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong patulan ang mga gumagawa ng intriga laban sa iyo. Hayaan mo lang sila at panoorin mo kung paano sila parurusahan ng kanilang karma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-29-30-31-36-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, magdahan-dahan ka dahil sa pagiging marahan, makikita mo nang malinaw ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-25-27-31-39.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo ang anumang gusto mo. Aayunan ka ng langit at magbubunga ng maganda ang mga pagkilos mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-20-21-28-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo ang gusto mong gawin nang hindi mo kailangan ipaalam kahit kanino. Ikaw lang sa sarili mo ang dapat makaalam dahil panghihimasukan ka lang ng iba kapag nalaman nila ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-22-27-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masayang naglalaro ang mga alon sa dalampasigan. Ikaw, bakit hindi ka magsaya? Saya ang bumubuhay sa tao, kaya kapag hindi na masaya, ang tao ay sobrang natutuliro. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-25-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kilalang-kilala mo ang mapagkunwari, gayundin, kilala mo ang tapat na kaibigan. Sa mga mapagkunwari, ikaw din ay magkunwari at sa mga tapat, mahalin mo sila at ingatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-25-34-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumasarap ang dampi ng hangin sa pisngi mo sa araw na ito. Ito ay nagpapaalala sa iyo na ang iyong pakikipagrelasyon ngayon ay hindi dapat masira ng mga walang magawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-23-30-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong akalain na nawawala ang mga suwerte mo dahil lahat ng bagay sa mundo ay namamahinga at muling nananariwa sa muling pag-arangkada. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-16-25-27-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. May mga magtatangka na dayain ka at maaaring mabawasan ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-19-21-26-27-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maging tapat ka at sabihin mo sa malapit sa puso mo ang mga saloobing nagpapahirap sa iyo. Kaya may kaibigan ang tao ay dahil sa sila ang balikat na sandalan ng nahihirapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-21-23-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng maiksing pagsasaya sa pagtakas sa mga problema. Makapagpapahinga ka at sa iyong pamamahinga, makaaasa ka na mananariwa ang iyong talino at lakas. Masuwerteng kulay - Tips sa lotto-3-11-17-21-28-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page