Dahil sa COVID-19.. Nationwide mall sale, stop — DOT

Ipinagpaliban na ng Department of Tourism (DOT) ang nakatakda sanang month long nationwide sale o 2020 Philippine Shopping Festival simula ngayong araw, Marso 1. Kasunod na rin ito ng banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mas prayoridad nila sa DOT ang kaligtasan ng mamamayan kaysa sa kikitain kung mas darami ang mga dayuhang bibisita sa bansa.
“As much as we want to mitigate the economic impact of the COVID-19, the safety of our citizens remains our priority.” pahayag ni Puyat.
Kasabay nito, nagpaalala ang DOT sa publiko na ugaliin ang tamang hygiene at sumunod sa mga payo ng Department of Health para makaiwas sa pagkalat ng virus.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin ang DOT sa mga mall para ipabatid ang postponement. Nagpasalamat naman ang DOT sa suporta ng mga ito.
Ayon kay Puyat, itatakda nalang nila kung kailan itutuloy ang Philippine Shopping Festival kapag ligtas na para sa lahat.
Inirekomenda naman ng DOT sa mga mall operators na sumunod din sa payo ng DOH para masiguro ang kaligtasan ng mga mall goer tulad ng pagkuha ng kanilang temperatura bago pumasok at maglagay ng mga hand sanitizer.





Comments