Cayetano vs. Sen. Go at Pacquiao para sa prangkisa ng Dos
MAINIT na isyu pa rin ang ABS-CBN. Nagsasabong ang mga pros at cons!
****
NAGPATUTSADA agad si Speaker Alan Peter Cayetano sa mga senador na dumalo sa hearing ng Senado. Binansagan niyang mga “sepsep” at nag-"attendance” lang sa ABS-CBN!
****
NIRESBAKAN si Cayetano nina Sen. Christopher “Bong” Go at Sen. Manny Pacquiao dahil sa hirit na sepsep ang dalawa sa ABS-CBN hearing ng Senate Committee on Public Services. Na-left hook ni Pacman si Cayetano sa pagsasabing walang masama kung dumalo sila sa pagdinig kaugnay sa renewal ng prangkisa!
****
AYON kay Pacquiao, “As a legislator siguro, ginagampanan lang namin ‘yung trabaho namin. Karapatan nating i-hear ‘yun, suportahan ‘yung hearing ng franchise so, siguro, wala naman kaming nilabag doon.” Malaki ang tama ng anak ni Mommy D.!
****
BINARA ni Pacquiao si Cayetano sa pagsasabing malaya ang lahat na magbigay ng opinyon at sabihin ang personal na paniniwala sa isyu. “Kani-kanya naman tayong opinyon, kani-kanya naman tayong paniniwala. Siguro ‘yun ang nasa puso niya, nasa isip niya kaya nasabi niya ‘yun,” dagdag pa ng senador!
****
SUMEGUNDA rin si Go at nilinaw na hindi siya sipsip at pinoproteksiyunan lang niya ang kapakanan ng 11, 000 manggagawa ng istasyon. Pinayuhan ni Go si Cayetano na gawin ang kanilang trabaho sa Kamara at magsagawa rin ng pagdinig!
****
BINIGYANG-DIIN ni Go, “Kaya nga sabi ko, masyado na pong umiinit ‘yung isyu dito sa ABS-CBN so, let’s buckle down to work, gawin na lang po natin ang ating trabaho, unahin na lang po natin ‘yung interes ng bawat Pilipino, ng bawat manggagawa ng network ay umpisahan n’yo na po ‘yung trabaho, either you approve or you deny.” Mukhang dumarami ang nakakalaban ng speaker, ha?
****
INAMIN ni Go na kung dati ay tutol siya na dinggin ng Senado ang ABS-CBN franchise renewal, isa na siya ngayon sa maraming naliwanagan sa isyu matapos ang ginawang pagdinig. Meaning, mahalaga ang bawat pagdinig!
****
NAMULAT na ang lahat sa kahalagahan ng isyu kaugnay sa ABS-CBN Corp. at tila titiklop na rin si Cayetano. Bilang eskapo, ipinapasa na niya ngayon sa ibang tao ang problema!
****
PATUNAY dito ang liham ni Cayetano kay Commissioner Gamaliel Cordoba kung saan sinasabihan niya ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan muna ng provisional authority ang ABS-CBN Corp. simula May 4, 2020 hanggang makapagdesisyon ang pinamumunuan niyang House of Representatives . May ilang legal opinion ang nagsasabi na walang bisa ang provisional authority mula sa NTC at lalo lang titindi ang komplikasyon sa bandang huli!
****
MASABIT kaya siya sa isyu ng ABS-CBN? O, mag-akrobat at mag-ala-Houdini ito upang makalusot sa maselang isyung ito sa ating panahon? O, dapat siyang managot sa responsibilidad na hindi magampanan?





Comments