top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Utos ni P-Duterte.. Edad 21 pababa, stop sa vape

Mylene Alfonso
Feb 29, 2020
1 min read

Ipinagbabawal na ang paggamit at pagbebenta ng vape o e-cigarrete sa mga edad 21 pababa.

Bawal na rin ang paggamit ng vape sa pampublikong lugar, bilang pagpapalawak sa sakop ng naunang nationwide smoking ban.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 106 noong February 26 ngunit, isinapubliko lamang kahapon.

Pinagbabawalan din ng EO ang pagbebenta ng vape sa mga menor-de-edad at kailangan na rin iparehistro ang naturang mga produkto sa Food and Drugs Administration.

Nakasaad din sa EO na dapat ay maging alinsunod sa product standards ng Department of Trade and Industry at FDA ang lahat ng devices na may kinalaman sa Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (END/ENNDS) o Heated Tobacco Products (HTPs).

Base sa EO, kailangan na rin ng mga establisimyento na gumagawa, nag-i-import at nagbebenta ng e-cigarettes na kumuha ng lisensiya mula sa FDA.

Kaugnay nito, nakatakdang magpalabas ang FDA ng rules, regulations at standards para sa pagpaparehistro ng vape product at mga sangkap nito.

Magiging laman din ng guidelines ang pag-iisyu ng License-to-Operate sa lahat ng establisimyento na sangkot sa paggawa at pagbebenta ng vape at mga sangkap nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page