top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Tuwing ikalawang linggo ng Pebrero.. National Hazing Prevention Week

  • Mylene Alfonso
  • Feb 29, 2020
  • 1 min read

Ipinroklama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang linggo ng Pebrero ng bawat taon bilang National Hazing Prevention Week base sa inilabas na dokumento ng Malacañang kahapon.

Sa ilalim ng Proclamation 907 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong February 21, magiging mandato ng Commission on Higher Education ang paggawa ng mga aktibidad na magpapatibay sa kampanya kontra hazing at iba pang uri ng karahasan

na may kinalaman sa fraternities.

Inatasan ng Pangulo ang iba pang mga ahensiya na suportahan ang CHED at hinimok ang mga local government unit, private sector at civil society group na magpartisipa.

Ipinunto ng Pangulo na naalarma siya sa rami ng mga kamatayan na may kinalaman sa hazing sa kabila ng pagkakaroon ng Anti-Hazing Law.

Matatandaang, noong 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11053 na nagtatakda ng P3 milyong multa, bukod sa 20-40 taong pagkakakulong sa hazing rites na magreresulta sa kamatayan, rape, sodomy o mutilation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page