Mga baboy sa Batangas, sapul sa ASF
- BRT
- Feb 29, 2020
- 1 min read

Nakapagtala na ng unang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Batangas. Ayon sa Provincial Veterinary Office, may kaso ng ASF sa Bgy. Molinete, Laurel.
Palaisipan naman sa lokal na pamahalaan kung paanong nakapasok ang sakit sa bayan dahil ilang linggo ring isinailalim sa lockdown ang Laurel sanhi ng pagputok ng
Bulkang Taal.
Iniimbestigahan na ngayon kung ano ang pinagmulan ng kaso ng ASF.
Samantala, agad namang ipatutupad ang protocol ng Department of Agriculture sa apektadong barangay at isasailalim sa culling ang mga baboy na apektado ng sakit.





Comments