Kid Baloloy, Cups In Raver st Sky Dancer
- Ding Taboy
- Feb 29, 2020
- 1 min read

Aalagwa ngayong araw ang pitong karera na bibitiwan ang Condition Race, 3 Year Old and Above Maiden Race at Condition Merged (9) sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito bibitiwan din ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Tricfecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 1, panimula ng WTA, binibigyan ng panalo ang Storm Chaser, Magat Salamat, Be the One at Exceptional Gee.
Sa Race 2, simula ng Pick 6, mahirap bunuin ang Lady of Peace, ngunit, ang apat na kalahok ang siyang pagpipilian para isama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super six ang couple entry na Fabulous Rainbow Peak at Keep Trending, Mellifluous at Gee’s Prize.
Sa Race 3, simula ng Pick 5, ipinapatok ang Kid Baloloy ngunit makakalaban ang Cups in Raver at Sky Dancer. Sa race 4, simula ng Pick 4, pinapaboran ang Pilya, makakalaban ang Run Algieri Run, Minalim at My Expensive Toy.
Sa Race 5, nakalalamang ang couple entry na Red Sole at Fabulous Star, sa mga naghahangad ng dehado isama ang Heirloom, Handsome Jhon at Adorable Maxinne.
Sa Race 6, ipinapatok ang Stella Malone at may pagkakataon na gumanti ang Senior Lucas.
Sa Race 7, magkakalaban ang Big Boss James, December Eighteen, Viscerion at Battle Cha Cha, Princess Xia na magiging paratingan sa WTA Pick 6, Pick 5 at Pick 4. WTA- (1-3-5-8/8/5/5-3/3-5/5-2/5-2-1); Pick 6- (8/5/5-3/3-5/5-2/5-2-1); Pick 5- (5/5-3/3-5/5-2/5-2-1); Pick 4 (5-3/3-5/5-2/5-2-1)





Comments