top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kasama sa mga inilikas mula sa cruise ship.. 5 Pinoy, may sintomas ng COVID-19

  • Madel Moratillo
  • Feb 29, 2020
  • 1 min read

Lima na sa mga Pinoy na kasama sa mga inilikas mula sa MV Diamond Princess cruise ship na nasa Japan at kasalukuyang naka-quarantine sa New Clark City sa Tarlac ang nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang 3 lalaking repatriate na unang dinala sa kanilang referral hospital ay nakitaan ng sintomas.

Ang mga ito ay isang 39-anyos na lalaki na nakaranas ng ubo, habang ang 34 at 27-anyos naman na lalaki na nagreklamo ng throat discomfort at dalawa sa mga ito ay negatibo sa virus.

Habang may dalawa pang repatriates na dinala rin sa ospital dahil sa sore throat. Tiniyak naman ni Duque na handa ang mga referral hospitals ng DOH sa ganitong sitwasyon at may sapat na kakayahan sa pag-contain ng virus.

Sa kabuuan, nasa 458 ang naka-quarantine sa New Clark City kabilang ang 445 mula sa cruise ship sa Japan habang ang iba ay mga miyembro ng repatriation team na sumundo sa kanila.

Bago iniuwi sa bansa ang nasabing mga Pinoy, dumaan sila sa mahigpit na pagsusuri sa Japan at maging pagdating sa bansa para matiyak na bago dalhin sa NCC ay wala silang sintomas ng virus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page