Jollibee, nagliyab

Nagliyab ang isang bahagi ng Jollibee fast food kahapon ng umaga na matatagpuan sa panulukan ng Ma. Orosa at T.M. Kalaw sa Maynila.
Batay sa ulat ng Manila Fire Department (MFD), alas-11:20 ng umaga nang mangyari ang sunog na umabot sa unang alarma at idineklarang fireout, alas-12:00 ng tanghali.
Nakita na lamang ng mga crew na nagliliyab umano ang wire sa loob ng establisimyento.
Dahil dito, agad pinalabas ang lahat ng customer hanggang sa dumating ang mga rumespondeng bumbero.
Wala namang iniulat na nasaktan sa nabanggit na sunog.





Comments