top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Isinilang sa Year of the Ox, hindi madaling mainlab at kapag niloko ayawan na

Maestro Honorio Ong
Feb 29, 2020
3 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing katangian at kung ano ang magiging kapalaran nilang mga isinilang sa animal sign na Ox o Baka ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1925 at 1985, ikaw ay Wood Ox; kung 1937 at 1997, ikaw ay Fire Ox; kung 1949 at 2009, ikaw ay Earth Ox; kapag 1961 naman, ikaw ay Metal Ox at kapag 1973, ikaw ay Water Ox.

Ang lahat ng binanggit na taon ay nasa ilalim ng kapangyarihan at impluwensiya ng animal sign na Baka o Ox kung saan tinatayang ganito ang inyong pangunahing katangian at kapalaran ngayong 2020.

Sa larangan ng career at propesyon, sinasabing ang Ox ay madaling magtatagumpay bilang sundalo o military dahil sa taglay niyang kakayahang magtiis sa kahit anong uri ng mabibigat na hamon ng buhay.

Gayundin, ang Ox ay likas na nagtataglay ng galing humanap ng paraan sa mga kritikal at mapanganib na kalagayan. Maaari ring maging hukom o abogado ang Ox dahil sa kakayahan niyang humatol at magpasya nang tama at walang pinapanigan.

Maaari rin siyang maging matagumpay na bangkero o negosyante sapagkat siya ay nananatiling tapat at wala sa isip niya ang mandaya at mang-abuso ng kapwa sa mali at hindi patas na paraan.

Maaari rin siyang maging mahusay na ahente ng insurance dahil sa likas niyang kakayahang magpaliwanag tungkol sa pakikinabangan ng bawat isa sa matagal na panahon at kinabukasan.

Sa larangan ng emosyon at damdamin, sinasabing ang Ox ay bihirang makae-experience ng love at first sight dahil para sa kanila, ang anumang relasyon ay hindi dapat madaliin. Sa halip, ito ay pinaplano at pinag-iisipang mabuti.

Bagama’t, nagmamahal din, hindi naman siya nagiging emosyonal o maramdamin dahil sa pag-ibig kung saan kung ang ibang animal signs ay inuubos ang sarili para sa pagmamahal at pag-ibig, ang Ox ay nagtitira para sa kanya, kaya sa sandaling iwanan ng minamahal, ang Ox ay nananatiling nakatayo at matatag.

Bagama’t, matagal manligaw, makipagrelasyon at matagal niyang ibisto ang kanyang itinatagong damdamin at pagmamahal, kakikitaan naman ang Ox sa pagigng mahilig sa pagbabasa at paggawa ng tula, ganundin sa mga romantikong liham. Oo nga at matagal siyang umibig at ma-in love, pero

kapag siya ay nagmamahal, tiyak na ito ay seryoso, totoo at pangmatagalan.

Tulad ng nasabi na, matumal magmahal ang Ox, pero kapag siya ay na-in love, talagang tapat, tunay at seryoso dahil bihira sa mga Ox ang gumagawa ng pagkakamali at kasalanan sa kanyang kapareha.

Ang problema lang sa Ox ay sa sandaling nagkasala ka sa kanya at nawala ang tiwala niya sa iyo, ito ay maaaring pangmatagalan at panghabambuhay na.

Dagdag pa rito, kung lolokohin mo ang Ox sa larangan ng pag-ibig at nabisto ka niya, hindi siya makikipagbalikan sa iyo, sa halip, mas nanaisin pa niyang nag-iisa na lang habambuhay kaysa tiisin niya ang mga kasinungalingan at panlilinlang na ginagawa mo sa kanya.

Sa katunayan, ganito ang sabi ng aklat hinggil sa katangian ng Ox kung paano ito magmamahal at masaktan: “Oxen heart, it is slow to love and even slower to heal.”

Katugma ng Baka ang Tandang dahil kapwa sila sumusunod sa nakatataas at magalang. Tunay ngang tatagal ang kanilang pagkakaibigan sapagkat kapwa sila masikap at nagpapahalaga sa oras at kasipagan.

Bagay din sa Ox ang sobrang lalim at seryosong magmahal na Rat kung saan nasa Rat ang hinahanap na lambing at caress ng Ox na ipinagdamot sa kanya ng kapalaran.

Ang pagiging maingat, mautak at mapag-isip na Ahas ay tugmang-tugma rin sa tahimik at praktikal na Baka.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page