Ibinuking ni Bayani... Bea, gusto na ng anak
- Ador Saluta
- Feb 29, 2020
- 2 min read

Ayon kay Bayani Agbayani, isang napakasayang pagtitipon ang regalong baby shower ni Bea Alonzo para sa panganay niyang anak na si Thalia Rogacion, na buntis ngayon sa nobyong si James Carlos na nag-iisang kapatid ng aktres.
Sa Magandang Buhay nitong Huwebes (February 26), nagkuwento ang komedyante ng Home Sweetie Home tungkol sa nasabing okasyon na dinaluhan ng kanyang mag-iina, pati na ng pamilya ni Bea.
“Napakasaya, nandoon sina Bea. Ang mapapangasawa kasi ni Thalia na si James ay kapatid ni Bea Alonzo. Dalawa lang silang magkapatid,” paliwanag ni Bayani.
“Kamukha ko ‘yung mapapangasawa niya, si James,” biro pa ni Bayani. Ayon kay Bayani, isa lamang ang baby shower sa dami ng regalo ni Bea para sa kanyang nakababatang kapatid na si James at kay Thalia.
“Alam mo ba ang iniregalo ni Bea, lahat ng regalo namin, tinumbasan niya nang tatlong beses. Ang dami, iba-iba, hindi na nga nabuksan sa dami,” dagdag ni Bayani.
Hindi na rin daw makapaghintay ang aktres sa nalalapit na kasal ng magnobyo.
“Naku, tuwang-tuwa nga si Bea. Alam mo sabi ni Bea, kapag nanganak si Thalia, kanya na lang ‘yung anak,” sey pa ni Bayani.
Samantala, maging ang aktor ay hindi na rin maitago ang kanyang pagkasabik sa nalalapit na pagdating ng kanyang apo.
“Natuwa ako kasi ang bata ay gift ‘yan sa atin ng Panginoong Diyos. Nasa edad na rin naman si Thalia at saka tapos na naman sila ng pag-aaral. Si James ay tapos na rin, nagtatrabaho po sila at may negosyo na sila. Naku, ako, excited po ako sa apo ko,” ani Bayani.
“Alam n’yo, in-enroll ko na sa school, naka-enroll na siya, advance, ang bilis. Binilhan ko na siya ng jersey na pang-basketball,” dagdag pa niya. Sa tanong kung ano ang naging payo niya kina Thalia at James, sagot ng komedyante, “Alam mo, sabi ko nga kina James at Thalia, ‘Thalia, James, napakabata n’yo pa, sayang, marami pang mga magaganda at pogi kayong makikilala.’
“Pero dahil tapos na naman po si Thalia ng college at isa na siyang chef, sabi ko sa kanya, ‘Kung mag-aasawa kayo, dapat ay panindigan n’yo, habambuhay ay kayong dalawa ang magmamahalan, habambuhay kayong dalawa ang maganda at guwapo para sa mga paningin n’yo,’” biro ni Bayani.
Well, nakakatuwa naman na welcome na welcome sila sa family ng isa’t isa.





Comments