Horoscope | Pebrero 29, 2020 (Sabado)
- Maestro Honorio Ong
- Feb 29, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 29, 2020 (Sabado): Totoong masuwerte ka dahil kahit hindi ka gaanong magsikap, ang magagandang kapalaran ay napasasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong kapanganakan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maganda ang sobrang seryoso. Ang payo ay haluan mo ng saya ang iyong trabaho. Hindi rin maganda ang magsaya nang magsaya, kaya huwag kang hihinto sa iyong trabaho. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-24-34-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka at tatanggap ka. Ito ang patakaran ng langit, kaya kung hindi ka bibigyan ng binigyan mo, iisa lang ang mangyayari at langit mismo ang magbibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-22-24-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Doble ang suwerte mo. Nangyari na ito sa iyo noon at muling mangyayari, kaya habang nagsasaya ka dahil sa sinuwerte ka, may magsasabi sa iyo na may dagdag-suwerte ka pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-21-29-33-39.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo ang inaakala mo na hindi mo magagawa ang pinapangarap mo. Ang totoo, dinaraya mo ang iyong sarili sa walang basehang kaduwagan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-20-28-30-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda para sa iyo ang nag-iisa, kaya mas magandang makipagkuwentuhan ka. Sa pananahimik, ang tao ay mas napalalapit sa sakit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-21-25-27-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo ang nagkamali sa iyo dahil ikaw din naman ay nagkakamali. Unawain mo ang nagkasala sa iyo dahil ikaw din ay nagkakasala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-20-21-24-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang humanga sa magagandang katangian mo, siya ang maaalipin mo. Kung sino ang makapuna sa mga kapintasan mo, siya ang magiging kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-21-23-33-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mong tahimik ang iyong pagsisikap dahil ito ang sikreto ng mabilis na pag-asenso. Ingatan mong mahalata na ang iyong buhay ay gumaganda kaysa sa dati. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-22-24-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sinalungat ka, lalo mong pagbutihin. Kapag pinintasan ka, lalo mong ilabas ang magagandang katangian mo. Ito ang sandata mo para lalo kang umangat nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-20-25-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darapo sa iyo ang munting suwerte na kung aalagaan mo at pararamihin ay magpapayaman sa iyo dahil magiging isang punong halaman na hitik sa matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-26-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi puwede ang sabay-sabay dahil mawawala ang pokus mo sa buhay mo. Kapag nawala ang pagtutok, ang lahat ay mawawalang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-24-29-31-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasasayahin ka ng bago mong kakilala. Bawat salita niya sa iyo ay may kabuluhan at may makukuha kang magagandang pananaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-25-30-36-45-46.




Comments