Final answer, aprub kay P-Digong.. Dengvaxia, bawal

Pinagtibay ng Tanggapan ng Pangulo ang desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na bawiin ang Certificate of Product Registration (CPR) ng kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Sa desisyon na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nakasaad na ibinasura ang apela ng Sanofi Pasteur, Inc. (SPI), ang manufacturer ng Dengvaxia.
Nakasaad sa desisyon ang patuloy na kabiguan ng Sanofi na makasunod sa post approval commitment nito na katumbas ng hindi pagsusumite ng pre-registration requirements na dahilan ng pagbawi sa CPR nito.
Dahil dito, ituturing nang ilegal ang importasyon, pagbebenta at pamamahagi ng Dengvaxia.





Comments