top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dahil sa COVID-19.. Travel ban sa Japan, Italy at Iran, next

  • Mylene Alfonso
  • Feb 29, 2020
  • 1 min read

Pinag-aaralan na ng Pilipinas ang pagpapatupad ng travel ban sa Japan, Italy at Iran sa gitna ng tumataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa tatlong bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, patuloy na ina-asses ng task force ng gobyerno ang sitwasyon sa tatlong bansa.

Ipinunto ni Nograles na bukod sa Japan at Italy, hindi maaaring balewalain ng gobyerno ang Iran dahil libu-libong mga Pilipino ang nakatira roon.

Matatandaang, napaulat na dumoble ang bilang ng infections sa Iran at Italy sa loob lamang ng dalawang araw. Nabatid na nasa 17 na ang nasawi sa Italy, habang 26 sa Iran dahil sa COVID-19.

Nailista naman ng Japan ang 214 na kaso, na may apat na kamatayan sa buong bansa nito.

Una nang ipinatupad ng Pilipinas ang travel ban ng mga turistang Pilipino papuntang South Korea at pagbabawal sa mga biyahero mula North Gyeongsang Province.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page