Aso sa Hong Kong, positibo sa COVID-19

Pina-quarantine ang isang alagang aso sa Hong Kong matapos mag-“weak positive” sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Hong Kong Agriculture Fisheries and Conservation Department (AFCD), ibinigay sa kanila ang alagang aso matapos magpositibo sa COVID-19 ang nag-aalaga rito.
Batay sa preliminary test na ginawa sa oral, nasal at rectal ng aso, lumabas na “weak positive” ito sa COVID-19 ngunit, hindi ito nagpapakita ng kahit anong sintomas.
Gayunman, wala pa ring sapat na ebidensiya ang AFCD kung maaari bang magpositibo sa COVID-19 ang isang alagang hayop o posible itong makahawa sa tao.





Comments