85 OFWs, may COVID-19

Umakyat na sa 85 ang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, pinakamarami sa mga ito ay sa Japan na umabot sa 80.
Gayunman, ang 10 rito ay gumaling na aniya, katunayan ang 8 sa mga gumaling na ito ay nakauwi na sa bansa.
May tig-2 namang naitalang kaso sa United Arab Emirates at Hong Kong.
Ang bagong kaso sa Hong Kong ay ang isang 29-anyos na Pinay na ngayon ay nasa stable namang kondisyon habang isa naman sa Singapore.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Duque na bumaba na sa 30 ang bilang ng mga naka-admit na patient under investigation dahil sa COVID-19.
Nasa 585 na ang na-discharge na sa ospital habang nasa 531 naman ang negatibo sa virus at 40 ang naka-pending pa ang resulta.





Comments