top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Utos ni P-Digong.. Requirements sa mga transaksiyon sa gobyerno, bawasan

  • Mylene Alfonso
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensiya ng gobyerno na bawasan ang mga requirements at procedures na kinakailangang gawin sa iba’t ibang transaksiyon.

Inisyu ng Pangulo ang direktiba sa pamamagitan ng Administrative Order No. 23 na nilagdaan noong February 21.

Layunin ng AO na mabawasan ang red tape at mapabilis ang lahat ng business at non-business transactions sa gobyerno.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang pagkakaroon ng reporma sa mga proseso ng mga ahensiya upang ma-eliminate ang overregulation.

Giit ng Kalihim na dapat ay panatilihin lamang ng mga ahensiya ang mga requirements na kinakailangan upang matupad ang kanilang mandato at policy objectives.

Nagbabala rin ang Pangulo na maaaring maharap sa administratibong kaso ang mga opisyal at departamento na hindi susunod sa kautusan kabilang ang pagkakakulong at multang aabot ng P2 milyon. Inatasan din ng Pangulo ang Anti-Red Tape Authority na i-monitor at tiyakin ang compliance ng mga ahensiya ng gobyerno sa AO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page