top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

User-friendly friends, buking, todo-tampo, natauhan na

  • Roma Amor
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Jhomer, 27-anyos. Sumangguni ako sa inyo dahil sa ugali ng mga kaibigan ko. Nakasasama ng loob na kapag may kailangan sila sa akin ay ready ako dahil flexible naman ‘yung oras ko. Pero nu’ng ako na ‘yung may kailangan ay wala sila. Kumbaga, wala silang oras para matulungan ako kahit meron naman talaga. Kaya nang huling humingi sila ng tulong sa akin ay hindi na rin ako sumagot. Sinabi ko rin ang totoong dahilan kaya nahiya na rin silang magsabi sa akin. – Jhomer

Jhomer, Makabubuti na kausapin mo ang mga kaibigan mo para maging maayos muli ang inyong samahan. Kung hindi n’yo ito mapag-uusapan ay lalong lalala ang anumang hindi ninyo pagkakaunawaan.

Kung sa tingin mo ay may pagkukulang sila sa iyo, sabihin mo at tanungin sila kung may pagkukulang ka rin sa kanila, saka kayo humingi ng tawad sa isa’t isa. Hindi mareresolba ng sama ng loob ang problema dahil kailangan mong marinig ang side nila. Good luck and God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page