Tserman pinagbabaril

Kritikal ang kasalukuyang barangay chairman matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki sa Bgy. Lapu-Lapu, Ibaan, Batangas.
Alas-7:50 ng gabi habang abala sa pakikipag-inuman ang biktimang si Kevin Palma, 27, kasama ang mga sugatang sina Wilfredo Lumanglas, 45, gov’t. employee at Willardo Guera, 48, driver, mga residente sa naturang lugar sa loob ng canteen.
Dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki ang biglang sumulpot saka sila pinagbabaril bago nagsitakas.
Agad silang isinugod sa pagamutan at inoobserbahan pa sa kasaluyan ang kanilang kalagayan. Blanko pa ang imbestigador sa motibo ng insidente maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.





Comments