top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

State of Calamity sa CALABARZON

Mylene Alfonso
Feb 28, 2020
1 min read

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa buong Region IV-A (CALABARZON) kasunod ito ng muling pagbuga ng usok ng Bulkang Taal na may 200-300 metro ang taas kamakalawa ng gabi matapos ang ilang linggong pananahimik. Ito ay makaraang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 906 noong February 21 ngunit, kahapon lamang isinapubliko.

Sakop ng state of calamity ang mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Dahil dito, magpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar alinsunod sa Price Act.

Mananatiling epektibo ang state of calamity sa loob ng isang taon maliban na lang kung ito ay babawiin ng Pangulo nang mas maaga.

Layunin din nito na mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa libu-libong residente at rehabilitasyon sa mga apektadong lugar sa CALABARZON.

Maaaring magamit na rin ang emergency funds para sa rescue, recovery, relief at rehabilitation at para masiguro ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga apektadong residente.

Inaatasan din ang lahat ng mga concerned agencies at iba pang departamento ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa isa’t isa at sa lokal na pamahalaan para mabilis na makabangon ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Inaatasan din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin na maayos na maipatutupad ang peace and order sa Calabarzon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page