top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PNP, sablay na sa paniniktik, pati mismong teritoryo, hindi mabantayan, naisahan ng mga militante

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

PNP, SABLAY SA INTEL KAYA MUKHA NI P-DUTERTE ANG NAKALAGAY SA PADER NG CAMP CRAME — Tila totoo ang tirada ni Lt. Col. Jovie Espenido, “poster boy” ni P-Duterte sa drug war na “failure” o sablay ang PNP sa ilalim ni Gen. Archie Francisco Gamboa sa intelligence gathering o paniniktik.

Mantakin n’yo, ang laki ng intelligence fund ng PNP pero hindi nila natiktikan noong anibersaryo ng EDSA na may mga militanteng magsasagawa ng “digital graffiti” gamit ang mukha ni P-Duterte na inilagay sa pader ng Camp Crame at saka kinunan ng picture.

Dahil d’yan, viral ngayon sa social media ang pader ng Camp Crame na may mukha ng pangulo na may katagang ‘wanted’, boom!

****

MAY PALAKASAN SA ONE STRIKE POLICY NI GEN. GAMBOA — Nang makahuli ang mga tauhan ni Gen. Gamboa ng mga ilegal na pasugalan sa iba’t ibang lugar sa bansa ay sibak sa puwesto sina PNP-Region 7 Commander Gen. Valeriano de Leon, Southern Police District (SPD) commander Gen. Nolasco Bathan, Bulacan PNP Commander Col. Emma Libunao at tatlong hepe sa Metro Manila pero nang makahuli ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mga nagpapa-jueteng sa Cavite ay porke taga-Davao City si PNP-Region 4-A Commander Brig. Gen. Vicente Danao, Jr. ay hindi ito nasibak sa puwesto.

D’yan makikitang may palakasan pala sa one strike policy ni Gen. Gamboa, boom!

****

2 MAYORA, UMAKSIYON VS. ILLEGAL GAMBLING, EPAL NA YORME, NGANGA — Matapos ipag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagpapatigil sa lahat ng illegal gambling sa QC ay pinangunahan naman ni Bacoor City (Cavite) Mayor Lani Mercado-Revilla ang pagwasak sa mga video karera.

Mabuti pa ang dalawang mayora, nagpapakita ng tapang laban sa mga gambling lord, pero ‘yung madalas umepal sa social media na si Yorme Isko Moreno, “nganga” sa raket ng dalawang nagpapakilalang ‘ninong’ niya na sina Bookies King “Boy Abang” at Lotteng King “Don Ramon”, buwisit!

****

KUNG ALIGAGA ANG MPD, MANILA-CIDG NA ANG DAPAT MANG-TOKHANG KINA ‘BOY ABANG’ AT ‘DON RAMON’ — Kung aligaga si Manila Police District (MPD) Commander Gen. Bernabe Balba na ipa-“tokhang” ang dalawang gambling lords na nagpapakilalang ‘ninong’ ni Yorme Isko na sina “Boy Abang” at “Don Ramon”, ang dapat nang umaksiyon dito ay si Manila-CIDG Chief Maj. Bryan Andulan.

Tingnan natin kung kaya ni Maj. Andulan na “tokhangin” ang dalawang “lords” ng Maynila, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page