top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malas sa career at love life, magkaka-BF ng tapat at maginoo pero medyo bastos kung babaguhin ang pi

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

Katanungan 1. Napapansin ko na parang palagi akong bigo sa pag-ibig at hanapbuhay. Minsan akong nakapagtrabaho, pero nawala rin agad dahil nag-resign ako kasi maliit ang suweldo na kulang pa sa pamasahe ko. Wala rin akong boyfriend at masasabi kong boring ang buhay ko at wala rin akong manliligaw.

2. Gusto ko nang magbago at baguhin ang kapalaran ko, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula? February 13, 1990 ang birthday ko. Ano ang dapat kong gawin para magbago ang takbo ng buhay ko at paano ako dapat magsimula upang sumaya naman ako? Kasagutan 1. Ang birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) ang totoong nagpapahirap sa kapalaran mo. Minsan, sobrang layo sa katotohanan ng mga iniisip mo, kaya sa simula pa lang ng pagtatangka ay nabibigo ka na. Ito ay madaling kinumpirma ng very sloping Head Line (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ibig sabihin ng very sloping Head Line (arrow a.) ay bagama’t mayaman ka sa imahinasyon at ideya, pero kulang na kulang ka sa pagkilos at pagpapatupad, kaya ang nangyayari, sa halip na magtagumpay ka, mas madalas na nabibigo ka.

3. Subalit, hindi pa huli ang lahat at ang unang-una mong dapat gawin ay baguhin o lagyan ng inobasyon ang iyong lagda kung saan sa sandaling binago mo ito, maisasagawa at maipatutupad mo na ang mga kakaibang laman ng iyong isipan.

4. Ganito ang gawin mong pagbabago sa iyong lagda: Sobrang liit ng nag-cross na “t” sa iyong pirma, habaan mo nang mahabang-mahaba ang nasabing cross ng letrang “t” at tapusin ang iyong lagda sa mahabang guhit sa pamamagitan ng pagpapahaba na tila straight line ang pinakapaa ng letrang “a”. Sa ganyang lagda, kapag nagawa mo ‘yan, unti-unti nang magbabago ang iyong kapalaran, kusa ka nang magiging praktikal at makakikilos ka na sa halip na puro plano at pangarap lang. Sa ganitong paraan, naipatutupad mo nang suwabe ang mga bagay na iniisip mo at gustung-gusto mong gawin sa buhay at kasunod nito, magkakaroon ka na ng regular na trabaho at lalaking tapat at maginoo na medyo bastos ang mai-in love sa iyo na natataglay ng birth date na 1, 10, 19 o 28. Dapat Gawin Ayon sa iyong mga datos, Norie, lalo na ang maganda namang Fate Line (F-F arrow b.) at okey sa alright ding Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyon na inilahad na sa itaas, ngayong 2020, sa buwan ng Setyembre, sa edad mong 30 pataas, magkakaroon ka na ng regular na trabaho at kasabay nito, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra ang darating at magkakagusto sa iyo, iibigin ka niya nang tapat at panghabambuhay na sa bandang huli, ang mabubuo ninyong relasyon ay hahantong na rin sa maligaya at panghabambuhay na suyuan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page