top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Leeg ng magsasaka tinaga ng bayaw

Pabs Hernandez III
Feb 28, 2020
1 min read

Nueva Ecija — Isang magsasaka ang nasa malubhang kalagayan nang tagain sa leeg ng kanyang bayaw kamakalawa sa Bgy. Obrero, Cabanatuan City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jesus Tablizo, samantalang ang suspek ay si Ireneo Sangalang, Sr., kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nakita ni Ireneo, Sr. na nagsusuntukan ang anak niyang si Ireneo, Jr. at si Jesus at dahil dito, kumuha ng itak ang suspek at tinaga sa leeg ang kanyang bayaw.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mag-amang Sangalang.

Kaagad namang dinala ng kanilang mga kamag-anak si Jesus sa ospital at kasalukuyan ay nasa malubha itong kalagayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page