Ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis.. P4 bawas-presyo sa LPG

Malaking bawas-presyo ang inaasahan sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis sa Linggo, Marso 1.
Base sa anunsiyo ng grupong LPG Marketers’ Association (LPGMA), posibleng nasa P2 hanggang P4 kada kilo ang rollback o P22 hanggang P44 ang katumbas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.
Sinabi ng LPGMA na sa Sabado pa lalabas ang final na contract price ng cooking gas. Nitong Pebrero 1, nagbaba ng P2.20 sa presyo ng kada kilo ng LPG na katumbas ng P24.20 sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.
Ang bagong pagbaba sa presyo ng LPG ay sanhi ng paggalaw ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.
Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG na ipinatutupad ng mga kumpanyang langis sa bansa.





Comments