Horoscope | Pebrero 28, 2020 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2020 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang na magkakaroon ka ng maraming kabuhayan at tatawagin kang mayaman ng mga nakakikilala sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ilang araw pang darating. Isabuhay mo ang pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga hawak mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-19-27-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumingin ka sa malayo dahil ganito tumitingin ang mga taong positibo. Iwasan mong mabuhay sa nakaraan dahil ganito ang ginagawa ng mga taong negatibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-15-17-24-26-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang mga bagay na malalaki ang iyong mga pakinabang. Sa ganitong paraan, kakapal ang iyong kabang-yaman. Ito ang sikreto ng mga tunay na mayayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-18-21-25-29-32.
CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang magagandang katangian dahil ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng masaganang buhay. Paunlarin mo pa ang sarili mo nang sa gayun ay lalo kang umunlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-17-29-31-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mong lumabas ang tapang mo dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay ginagamit ang tapang. Sa pagkakataong ito, kahinahunan ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-25-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang sigla ang madarama mo na ang ibig sabihin ay ngayon ka na kumilos nang sa gayun ay mapalapit ka sa iyong malalaking pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-18-20-21-26-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nilalapitan ang malayo, kaya ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para muli kang mapalapit sa taong mahalaga na lumayo ang loob sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-20-26-29-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magandang pagkakataon ang ibibigay sa iyo ng langit. Kaya ang payo, lakasan mo ang iyong loob na gawin ang mga hindi mo nagawa noon dahil ikaw ay naging mahina. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-22-27-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madalas, hindi nakabubuti ang maraming tumutulong. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan na hindi paramihan ng bilang para magawa nang maayos ang iyong proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-19-29-33-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ang sarili mo. Ang taong kontrolado ang sarili ay mapabibilang sa magtatagumpay sa buhay. Muli, hawakan mo ang sarili mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-18-20-24-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang humanga sa mga kung umasta ay walang kinatatakutan. Mas magandang mahulog ang loob mo sa mga taong kung kumilos at magsalita ay kalmado lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-11-19-23-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matatawa. Ayon sa kapalaran mo, ang taong nakaugalian mo nang ikaw ay pinangungunahan ay ang taong mapalalapit sa puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-9-13-27-31-36.




Comments