top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Wag palagpasin, basahin mo na ‘to.. March 5, perfect para sa mga naghahanap ng wagas at pang-foreve

Sr. Socrates Magnus II
Feb 28, 2020
2 min read

Bigyang-daan natin ang mahalagang Astrological na kaalaman ngayong ika-5 ng Marso na tatawaging “Ang pagpasok ni Venus sa zodiac sign na Taurus”.

Sa March 5, 2020, papasok si Venus sa zodiac sign na Taurus at maituturing itong magandang balita para sa mga wala pang karelasyon. Ang epekto nito sa lahat ng tao ay parang na-extend na Araw ng mga Puso sa mundo at makikita na halos lahat ng babae o lalaki, may asawa o wala ay makadarama ng kakaibang sigla kung saan parang lahat ay in love o alipin ng pag-ibig.

Gayundin, ang mga nagsabing ayaw na nilang umibig at nangako sa sarili na mananatiling single forever ay sisirain ang kanilang mga sinabi dahil makikita na ang kanilang mga kilos at pananalita ay hindi sinasadyang parang nang-aakit.

Sa biglang tingin, parang hindi ito gaanong kagandahang balita dahil ang isyu ay naghahanap ng pag-ibig. Gayunman, dahil si Venus ang ruling planet ng zodiac sign na Taurus, ang pag-ibig na ninanais ng mga naghahanap ay pag-ibig na wagas at dalisay na nakatuon sa pagbuo ng pamilya ang magiging huwaran ng lahat.

Iba ang pag-ibig na ito sa pag-ibig na naghahanap lang ng karelasyon nang dahil sa pagnanasang panseksuwal o naghanap ng love at partner na makatutulong sa kanila nang personal, kaya ito rin ay hindi mapaglarong pag-ibig.

Sa mga relasyon na mabubuo sa mga araw na ito ng March ay relasyon na mauuwi sa tunay na pag-aasawa kung binata at dalaga pa. Gayunman, kung may asawa na, pero hindi naman maganda ang marriage status o magulo ang buhay-may asawa at sa mga araw na ito ay na-in love sa iba, ito ay nagsasabing dumating na ang mga araw na siya ay magkakaroon ng bagong asawa na panghabambuhay.

Ang mga huling araw ng Pebrero mula sa ika-14 hanggang sa mga unang araw ng Marso ay mga araw ng pag-ibig na nakatuon sa pag-aasawa na ang layunin ay bumuo ng pamilya. Ito rin ay nagsasabing ang ma-in love sa mga araw na ito kahit hindi pa aktuwal na naging magkarelasyon ay may bisa rin ng nasabi na sa itaas na “extended Valentine’s Day”.

Dahil ang mga araw na ito ay para sa pagbuo ng magandang pamilya, ang mga relasyon na may ibang layunin ay makikitang matatapos o mawawala.

Kumbaga, ang napasok sa mali at lisya at bawal na relasyon ay magsisimulang mawasak hanggang sa tuluyang hindi na magkabalikan pa.

Ito ang hiwaga ng buhay na nakapaloob sa Astrological information na Venus enters Taurus na magaganap ngayong ika-5 ng Marso. Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page