top of page

Palatandaan na acute bronchitis na ang ubo

  • Shane Ludovice
  • Feb 27, 2020
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Kapag ba grabe na ang ubo ng isang tao at hindi nawawala sa loob ng dalawang linggo at may kasamang plema, ibig sabihin ba nito ay may bronchitis na ang pasyente? Paano malalaman at ano ang iba pang sintomas nito? - Steve

Sagot Mayroong dalawang uri ng bronchitis — chronic at acute. Ang chronic bronchitis ay karaniwan lamang at ang kadalasang dahilan nito ay paninigarilyo. Kaya, kung titigil sa paninigarilyo at magkakaroon ng maayos na diet, maiiwasan ang bronchitis. Ang pagkakaroon ng chronic bronchitis ay nauulit, taun-taon at ang mga sintomas ay madalas na pag-ubo na may kasamang plema.

Samantala, ang acute bronchitis naman ay karaniwan nang secondary infection. Ang bacteria ay sumasalakay kapag mahina ang katawan o resistensiya ng pasyente dahil may sipon o trangkaso ito. Karaniwan sa mga nagiging biktima ng acute bronchitis ay ang mga may asthma, may problema sa baga, matatanda, bata at iba pang madalas ma-expose sa usok.

Ang sintomas ng acute bronchitis ay madalas na pag-ubo, paghingang may huni (wheezing) at masikip na paghinga, pagkakaroon ng plemang kulay berde at dilaw. Kapag ito ay hindi nagamot, posible itong mauwi sa pneumonia.

Kailangang kumain ng tamang diet para lumakas ang katawan. Ang pag-inom din ng regular na vitamin supplement tulad ng Vitamins A, C at Zinc ay kailangan para sa mahusay na functioning ng immune system.

Ang carrots, spinach, leeks, spring onions at melon ay nagbibigay ng maraming beta-carotene at nakatutulong din sa kondisyon ng baga. Ang pagkain ng atay minsan isang linggo ay mahusay sapagkat ito ay mayaman sa Vitamin A. Ang mga sariwang prutas at gulay ay mayaman sa Vitamin C.

Ang shellfish at lean beef ay nagsu-supply ng zinc.

Ipinapayo rin na iwasan ang mamantika at matatamis na pagkain.

Makabubuti rin kung iiwasan ang sobrang pag-inom ng alak at kape sapagkat pinipigil nito ang immune system para linisin ang toxins sa dugo.

Ang immune system ay maaaring mapinsala sa pamamagitan ng exposure sa heavy metals na kinabibilangan ng lead at calcium. Dahil dito, ipinapayong iwasan ang mga pagkaing nabibili sa mga lugar na infected ng traffic pollution.

Ang mga pagkain na may mataas sa cadmium ay kinabibilangan ng commercially produced mushrooms at shellfish kung saan nakuha sa tubig na exposed sa industrial pollution.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page