Buong-pusong tinanggap bilang kapamilya, Mommy Divine… Hirit ng Kampo ni Matteo: Sarah, nasa mabutin
- Nitz Miralles
- Feb 27, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Hindi naiwasang pagkumparahin ng mga fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung paano tanggapin ng relatives ng aktor ang Pop Royalty sa pagtanggap ng pamilya ng singer-actress sa mister nito o kung paano ang tingin nila sa nangyari sa kasal ng dalawa.
Sabi ng cousin ni Matteo na si Miguel Fernan: “Guess ‘she’ couldn’t stop two grown adults from committing to love. Congratulations Gianmatteo Fernan Guidicelli and welcome to the family Sarah G! And if there were really any altercations, we got you and we totally understand!”
Post naman ng Tita Iris Arcenas ni Matteo: “Our family welcomed Sarah with lots of love. She is in good hands!”
Reaksiyon naman ng isang pinsan daw ni Sarah na lumabas online ay… “Why so many pakialameros/pakialameras when in fact they ‘DO NOT know the whole story.’”
Sa first post nga ni Matteo bilang mag-asawa na sila ni Sarah, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya sa mainit na pagtanggap sa kanyang misis.
Parehong back to work na ang mga bagong kasal dahil kung si Sarah ay nag-report na sa taping ng The Voice Teens 2, si Matteo naman ay nagwo-workshop na para sa Viva Films movie na Penduko kung saan nauna na siyang dumaan sa physical training in preparation for his role bilang si Pedro Penduko.
Sa launching ni Matteo as the new endorser of Sante Barley kahapon, nabanggit nitong, “I just got married. It’s our first six days together. The best days of my life,” at tinukso siya ng mga tao na present sa launching.





Comments