Birthday celebration sa resort.. 6 yrs. old nalunod, patay
- Levi Gonzales
- Feb 27, 2020
- 1 min read

Dead-on-arrival sa ospital ang 6-anyos na lalaki matapos malunod sa resort sa Bgy. Matandang Sabang Kanluran, Catanauan, Quezon.
Pasado alas-10:00 ng umaga, nagtungo sa Marc and Marcy’s Resort ang biktimang si Mico Dre Batario, ng Bgy. Pob. Catanauan, Quezon, upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ng kaanak.
Lumusong ito sa pool kung saan agad pumailalim hanggang huli na nang mapansin ng kaanak ang paghingi nito ng tulong. Agad siyang sinagip at dinala sa pagamutan subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.





Comments