Angkas sa motor.. Bebot tinangay ng hangin, patay

Patay ang isang babae makaraang mahulog sa bangin nang tangayin ng malakas na hangin mula sa sinasakyang motorsiklo, Sabado ng umaga sa Digos City. Kinilala ang biktima na si Kristelle Ann Abapo, 24.
Ayon sa mga nakakita, mabagal lang ang takbo ng motorsiklo subalit, pagdating sa Bgy. Cogon, bigla umano itong hinampas ng malakas na hangin kaya sumabit sa nakalambitin na kable ang biktima bago nahulog sa bangin.
Nakaligtas naman ang driver ng motor na si Froilan Ladio bagama’t, hirap pa itong maglakad dahil sa tinamong mga sugat.
Sa panayam sa asawa ng ginang na si Felkim, papunta sana sila ng asawa sa kanilang bukid pero, nagpaalam ang biktima na kukuha ng jacket.
Hindi niya inakala na dumiretso ito sa Bgy. Tres de Mayo para kuhanin ang love birds na isusurpresa niya sana sa 5 taong gulang na anak.





Comments