top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

#9 player ng Greece, Tsitsipas, haharapin ang hamon ng ‘Pinas

  • A. Servinio
  • Feb 27, 2020
  • 1 min read

Tiniyak ng pamunuan ng parating na Davis Cup 2020 World Group II Playoff na darating si Stefanos Tsitsipas, ang kasalukuyang numero siyam na manlalaro ng mundo, upang katawanin ang Gresya laban sa Pilipinas ngayong Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association (PCA) Tennis Courts sa Paco, Maynila.

Handa ang mga Pinoy netters na harapin ang parating na hamon lalo na at lalaro sila sa harap ng mga kababayan.

Pangungunahan ang Pilipinas nina Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon. Sasamahan sila nina Ruben Gonzales, AJ Lim at Eric Olivarez Jr. at kapitan Chris Cuarto.

Si Tsitsipas ay edad 21 pa lang at siya rin ang pinakabatang manlalaro sa ATP Top Ten ngayon.

Ang iba pa niyang kakampi ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Petros Tsitsipas (#1,163) at sina Michail Pervolarakis (#423) at Markos Kalovenolis (#717) habang si Dimitris Chatzinikolaou ang kapitan.

Pipili ang mga kapitan ng maglalaro sa dalawang singles at isang doubles. Kung kakailanganin, may nakatakda pang dalawang singles.

Kung ihahambing, si Patrombon ang pinakamataas na Filipino ngayon sa ATP Rank na numero 1,417.

Si Gonzales ay pang-227 sa doubles subalit hindi niya muna makakasama ang nakasanayang kakampi na si Treat Huey na numero 138 sa doubles.

Kung papalarin, tutuloy ang Pilipinas sa World Group II.

Kailangan nilang manalo nang manalo upang umangat sa World Group I sa 2021 at samahan ang mga mas mabigat na kalaro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page