top of page
Pokwang.jpg

Tinawagan ng TV host para mainterbyu si Sarah… Matteo kay Boy: Teka, tatanungin ko muna ang asawa ko

Julie Bonifacio
Feb 26, 2020
2 min read

Ang daming malalaking ganap sa compound ng ABS-CBN sa Mother Ignacia, Quezon City last Monday.

Una, maaga pa lang ay nagkaroon na ng prayer rally ang mga bituin, executives at empleyado ng Kapamilya Network na tinawag nilang “Walk of Faith.” Pitong beses silang umikot sa compound ng ABS-CBN na mala-Jericho March na ginawa sa Holy Bible ni Joshua.

Naispatan sa “Walk of Faith” ang mga stars ng teleseryeng Pamilya Ko at ang mga momshies ng Magandang Buhay na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.

After ng “Walk of Faith,” may ginanap pa na prayer rally sa loob ng compound ng ABS-CBN na pinangunahan naman ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Sa Senado naman sa Pasay City ay naganap ang hearing para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Kinagabihan ay nakadaan kami sa studio ng Tonight with Boy Abunda para sa live episode ng programa ng King of Talk na si Boy Abunda.

Tsika ni Kuya Boy sa TWBA, nag-taping ang kontrobersiyal na Popstar na si Sarah Geronimo sa The Voice Teens 2 after ng secret wedding sa Taguig City. Pinuntahan ng staff ng TWBA si Sarah para subukang kunan ng pahayag pero tumanggi ito na mainterbyu.

Kuwento ni Kuya Boy sa TWBA, ‘di raw nakita sa studio ng TVTP ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Sinubukan din daw tawagan ni Kuya Boy ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli para kunan ng statement. Sinagot naman daw ni Matteo ang tawag ni Kuya Boy. Kilig na kilig si Kuya Boy sa sinabi ni Matteo sa kanya na… “Wait, Tito Boy, I have to ask my wife first.” Wife na talaga, ‘di ba?

Samantala, lumabas na gatecrasher si Mommy Divine sa reception ng wedding nina Sarah at Matteo base sa kuwento ng Viva big boss na si Vic del Rosario, Jr., ang manager ng newlyweds.

Parang ang sakit namang pakinggan para sa isang ina na tawaging gatecrasher ka sa wedding reception ng sarili mong anak, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page