Rider, natilamsikan ng putik.. Truck driver niratrat, todas
- BRT
- Feb 26, 2020
- 1 min read

Patay ang truck driver matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklo matapos umano itong matilamsikan ng putik.
Kinilala ang biktima na si Ranulfo Nesperos, na pinagbabaril matapos umano nitong matilamsikan ng putik ang suspek na nakamotorsiklo sa Bgy. Nagkaisang Nayon sa Novaliches.
Ayon kay Maj. Elmer Monsalve, dead-on-the-spot si Nesperos sanhi ng anim na tama ng bala ng baril sa katawan. Sa kuha ng CCTV, tinangka pa ng suspek na gamitin ang motorsiklo pero, dahil hindi na niya mapaandar, tinanggal na lang niya ang plaka nito saka tumakas.
Nakaligtas naman ang pahinante ng trak, na naglarawan sa mga pulis sa hitsura ng suspek.





Comments