Pulis, binaril sa mukha
- Levi Gonzales
- Feb 26, 2020
- 1 min read

Isang pulis ang ginagamot matapos tambangan sa Aurora Blvd., Bgy. Gulang-gulang, Lucena City, Quezon.
Kinilala ang biktima na si PMSg. Louie Vargas, 41, ng Real, Quezon, nakatalaga sa Quezon Police Provincial Office.
Alas-10:30 ng umaga, sakay ng pampasaherong tricycle ang biktima nang harangin saka pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Nadala naman agad ang biktima sa ospital at patuloy na ginagamot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa mukha at katawan. Nagpapatuloy ang pagtugis sa mga suspek maging ang motibo sa insidente.





Comments