top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Perez, nag-ensayo agad pagbalik-bansa vs. Indons

  • VA
  • Feb 26, 2020
  • 1 min read

Makaraang lumaro para sa Gilas Pilipinas noong Linggo ng gabi sa FIBA Asia Cup qualifiers kontra Indonesia, nag-ensayo din kaagad pagbalik ng bansa sa Gilas 3x3 noong Lunes si CJ Perez.

Sa halip na mamahinga kahit sandali ay nagreport na agad si Perez sa Gold’s Gym Sheridan para makasama ng Philippine 3x3 team na kinabibilangan nina Mo Tautuaa, Joshua Munzon at Alvin Pasaol at mga reserves na sina Leonard Santillan at Karl Dehesa sa ilalim ni Serbian coach Stefan Stojacic.Naghahanda ang Gilas 3x3 team para sa 2020 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa darating na Marso 18-22 sa Bengaluru, India kung saan kabilang sila sa Pool C kasama ng Slovenia, Dominican Republic, Qatar at France.

Mula sa 20 koponan na kalahok sa torneo, tatlo lamang ang magkakaroon ng slot para sa darating na Tokyo Olympics kung saan lalaruin ang 3x3 bilang medal sport sa unang pagkakataon. Kahanga-hanga ang ipinapakitang dedikasyon ni Perez sa kanyang dobleng obligasyon sa national team na nauna na niyang ginawa noong nakaraang 30th Southeast Asian Games kung saan nagwagi siya ng dalawang gold medals bilang miyembro ng men’s basketball at 3x3 squads.

Inaasahan na muling magkakaroon ng malaking papel sa kampanya ng Nationals sa 3x3 qualifiers si Perez gaya ng ginawa nito sa 100-70 panalo nila kontra Indonesia sa simula ng FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nagposte ito ng 11 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 4 na steals. Maliban sa kanyang obligasyon sa national team naghahanda rin si Perez kasama ng kanyang koponang Columbian Dyip para sa darating na 45th PBA Philippine Cup na magbubukas na sa Marso 8.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page