Parak binentahan.. Kelot, tiklo sa shabu

Arestado ang umano’y tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng shabu sa buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Allan Varga, 33, ng Bgy. 30, Caloocan City.
Alas-3:45 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Tamayao ang buy-bust operation kontra sa suspek sa kahabaan ng Governor Pascual Avenue, Sto. Niño, Bgy. Concepcion, Malabon City.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nakabili ng isang sachet ng shabu sa suspek kapalit ng P1,000 marked money at nang magkaabutan, agad sinunggaban si Varga ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang sampung sachets ng shabu na nasa P306,000 ang halaga at buy-bust money.





Comments