Kasal, sagot na raw ng rich na ninang… Final answer: Arjo, si Maine na ang gustong pakasalan
- Janice DS Navida
- Feb 26, 2020
- 2 min read

Photo: @mainedcm
After ni Carlo Aquino, ang mabait at bedimpled namang si Arjo Atayde ang ipinakilala ni Ms. Rhea Tan bilang isa pa ring endorser ng Spruce and Dash, kung saan among the ‘must have products for men’ na kanyang ineendorso, gustung-gusto raw ni Arjo ang Brawn Anti-Perspirant White Spray na puwede sa paa at sa kilikili, ‘di na kailangan ng deodorant.
Pabiro kaming nag-dare kay Arjo na ipakita ang underarm niya sa presscon since anti-perspirant spray naman ang ineendorso niya, pero tipong nadyahi ang BF ni Maine Mendoza.
Hindi rin nasagot ni Arjo ang tanong namin kung naamoy na ba ni Maine ang kanyang kilikili. Pero nang tanungin namin kung ano na lang ang mas gusto niyang ipaamoy kay Maine between his armpit and feet, “Kilikili na lang” ang natatawang sagot ng guwapong anak ni Ms. Sylvia Sanchez dahil very confident naman daw siyang wala itong amoy.
Naku, if I know, part ng lambingan ‘yan ng magdyodyowa, ‘no, ‘yung nag-aamuyan ng kilikili! So, alam n’yo na! Hahaha!
Anyway, “This is my love story” pa rin ang laging sagot ni Arjo kapag inuurirat ng press tungkol sa relasyon nila ni Maine at ang tipid nitong mag-share dahil mas gusto niyang private lang ang kanyang love life.
Pero in fairness to Arjo, inamin naman niyang si Maine na ang gusto niyang mapangasawa, na for sure, hindi ikatutuwa ng AlDub fans, devah? Pero sorry, magreklamo na lang kayo sa barangay, chos!
Kung kelan ang planong kasal, wala pa naman daw. But for sure, ‘di ito secret civil wedding, ‘no! Hahaha!
Samantala, isa pang isyung nilinaw namin kay Arjo ay kung aware ba siya ru’n sa sinasabing pambubuhos ni Coco Martin ng tubig sa mga staff sa set ng Ang Probinsyano.
Aniya, matagal na raw nilang ginagawa ‘yun sa set, kahit nu’ng nandu’n pa siya at prank lang daw talaga nila ‘yun at wala namang nagrereklamo.
Baka naman iba lang ang paraan ng pagpaparating kay Robin Padilla na nagbulgar tungkol sa buhusan thing na ‘yan kaya masama ang naging dating kay Binoe.
Eh, sana lang kasi, si Coco na lang ang diretsong tinanong ni Robin kesa sinabi niya pa sa socmed, ayan tuloy, na-bash siya ng mga fans ni Cardo Dalisay.





Comments