top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

After ng kasal… Sarah at Matteo, sa condo nakatira

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 26, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas /Teka Nga

Photo: @matteog

Ilang araw lang matapos ang kontrobersiyal na “secret wedding” nina Sarah Geronimo at Mat­teo Guidicelli, nakipag-dinner sila sa pamilya Agoncillo na inihanda ni Judy Ann Santos.

Naging malapit ang Pop Princess kay Juday na itinuring niyang ate sa showbiz. Kapag may problema noon si Sarah sa kanyang love life ay isa si Judy Ann sa kanyang mga hinihingan ng payo. Maging ang kanyang domestic life, naise-share rin ni Sarah sa kanyang Ate Juday.

Isa rin sa mga ‘ate’ ni Sarah sa showbiz ang Asia’s Songbird na si Regine Velas­quez-Alcasid na dumaramay kapag may mga personal siyang problema. Kaya naman dinalaw ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid si Sarah nang mag-report na ito sa teyping ng The Voice Teens 2 ilang araw matapos ang kanilang kasal ni Mat­teo. Sina Judy Ann at Regine ang ilan sa mga showbiz friends nina Sarah at Matteo.

Kahit na nagkaroon pa ng “eksena” at drama sa kasalang Sarah-Matteo, hindi ito nakabawas sa kaligayahan ng bagong kasal. Love wins at halos lahat ay bumati at nagsaya na sa happy ending nauwi ang love story ng AshMatt.

Sa ngayon ay sa isang condo nakatira sina Sarah at Matteo. Sa March 29 naman gaganapin sa Italy ang kanilang church wedding. Bago ito, nagbigay din sa kanila ng get-together ang ibang kaibigan sa showbiz.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page