TV host, solo flight uli… 4 na co-hosts ni Willie, naka-leave?
- Erlinda Rapadas
- Feb 25, 2020
- 1 min read
Teka Nga / Erlinda Rapadas

Noong Sabado (Feb. 22), sa Wowowin Primetime ay napanood ng mga viewers ang showdown ng mga dating dancers noon ng Wowowee/Wowowillie na sina Luningning, Milagring, Mariposa at si Ms. Congratulations.
Hinamon sila ni Willie Revillame na makipag-showdown sa mga Wowowin dancers at mga Hu-Wow dancers. Nagpagalingan sila sa paghataw. Ikinatuwa ng audience ang reunion ng mga dating Wowowee dancers.
Samantala, may nakapansin na nawawala ang apat na co-hosts ni Willie na sina Sugar Mercado, Hipon Girl Herlene Budol, Almira Teng at Elaine Timbol. Naka-leave ba ang mga ito?
Marami tuloy ang nag-suggest na kunin na lang ulit ni Willie sina Valerie Concepcion at Donita Nose na gamay na gamay na ang Wowowin.





Comments