Sayang daw ang suweldo, todo-tanggol lang sa mga pulitiko… Ethel kay Mocha: sipsip to the max!
- Beth Gelena
- Feb 25, 2020
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nakapagpigil ang komedyana-singer na si Ethel Booba na sagutin ang akusasyon ni Mocha Uson sa shout-out nito sa social media. Sabi kasi ni Mocha, nag-aaksaya lang ng pera ang gobyerno para sa pagdinig ng Senado para sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Tweet ni Mocha na itinalaga bilang Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), “Ganito inaaksaya ng Senado ang pera ng bayan para lang maipagtanggol ang mga oligarch. Alam naman natin na walang saysay ang hearing dahil dapat mauna ang House. Sipsip to the max na ang mga kakampi ng oligarch.”
Sagot naman sa kanya ni Ethel Booba, “Cyst (Sis), mas malaki ang naaksayang pera ng bayan sa pasuweldo sa ‘yo sa pagtatanggol mo sa mga pulitiko. Alam naman natin na ‘di ‘yun ang job description mo. Sipsip to the max.”
Kasalukuyan kasing naghi-hearing ang Senado hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Nahinto ang dapat sana’y session ng Senado kahapon (Monday) para dinggin ang prangkisa ng network.
Ang Senate Committee of Public Services na nanguna sa hearing ay pinamumunuan ni Senator Grace Poe.





Comments