Problemado sa gown para sa JS prom.. Grade 10 lumaklak ng lason, patay
- Paul Lamsen
- Feb 25, 2020
- 1 min read

Isang Grade 10 pupil ang nasawi matapos umanong uminom ng lason sa San Fernando, La Union.
Kinilala ang nasawi na si ‘Alice’, 15-anyos, naninirahan sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, alas-10:00 ng gabi nang makita ang dalagita na nakabulagta sa sahig na walang malay at bumubula ang bibig.
Napag-alaman na walang maibigay na pambayad ang magulang para sa gown na halagang P2,500, na gagamitin para sa JS Prom nito.
Pinagalitan din umano ng ama ang dalagita dahil sa nobyo nito na isa rin sa tinitingnang dahilan ng pagpapakamatay nito.





Comments