Naisahan sa secret wedding, sumugod sa venue… Sabi raw ni Mommy Divine kina Sarah at Matteo: Mga tra
- Julie Bonifacio
- Feb 25, 2020
- 4 min read

Back to work na si Sarah Geronimo o si Mrs. Guidicelli. Patunay lang na tutuparin pa rin niya ang mga commitments kahit nagbago na ang kanyang civil status. At inuna pa rin ni Sarah ang kanyang trabaho kesa ang honeymoon nila ni Matteo Guidicelli.
May lumabas sa social media na photo ni Sarah sa set ng talent show niya sa ABS-CBN na The Voice Teens.
What’s so fascinating about Sarah’s latest photo sa social media ay ang suot niya sa kanyang daliri na dalawang diamond rings. Obviously, ‘yung isang singsing ay engagement ring na may malaking diamond sa gitna. Habang ‘yung isa na may diamond sa palibot ng singsing ay walang duda na wedding ring nila ni Matteo.
Based on the picture, kita na very proud si Sarah for being Mrs. Guidicelli. Walang duda na masaya siya. Pero mababanaag sa mga mga mata niya na bagama’t masaya, tila may halo ring lungkot. Hopefully, mali ang basa namin sa mga mata ni Mrs. Guidicelli.
Admittedly, we’re not AshMatt fan kaya we did some research on some details sa buhay nila. We found out na Matteo is two years younger than Sarah. Maraming awards na napanalunan si Matteo sa kanyang sports na Karting kung saan una siyang nakilala. Lumaki siya sa Cebu at nag-aral sa Cebu International School, pero hindi niya natapos ang kursong kinuha niya sa Columbia College sa Chicago.
Kilalang mayaman at nakakaangat sa lipunan ang both sides ng parents ni Matteo. We’re not sure lang kung gaano naman siya ka-successful financially.
Aminin natin, hindi ganu’n ka-big star si Matteo and he’s not earning gaya ng kinikita ng isang Daniel Padilla or ni Enrique Gil sa bakuran ng ABS-CBN. So, parang major part ng meron siya financially, galing sa parents niya, ‘di ba? Unlike Sarah, mas malaki talaga ang kita kesa kay Matteo.
But of course, mas maliit man ang kita ni Matteo kesa kay Sarah, for sure, ‘di naman magugutom ang anak ni Mommy Divine sa mister nito.
****
Samantala, akala ng lahat ay tapos na ang issue ng panununtok ni Matteo Guidicelli sa bodyguard ni Sarah Geronimo dahil nga sa diumano’y pagsusumbong ni Jerry Tamara sa nangyaring secret civil wedding ng AshMatt nu’ng Feb. 20, 2020 kay Mommy Divine Geronimo na ina ng Pop Princess.
Bagama’t nagreklamo kasi sa Taguig Police ang bodyguard, hindi ito pormal na nagsampa ng kaso laban kay Matteo.
Pero, kahapon (Feb. 24), napanood sa Raffy Tulfo in Action ang paghingi ng tulong ni Jerry kay Raffy Tulfo hinggil sa panununtok sa kanya ni Matteo.
Aniya, “Sir Matteo, kung matapang ka, harapin mo ‘yung ginawa mo sa akin, hindi ‘yung nagsisinungaling ka nang wala kang… hindi mo ‘ko sinuntok. Sinapak mo ko. Handa akong isiwalat lahat ng nalalaman ko. May medical certificate ako at police report sa ginawa mo sa akin.”
Nilinaw ni Jerry na tutol talaga si Mommy Divine sa relasyon ng anak at ni Matteo kaya nagpakasal ang dalawa nang hindi alam ng buong pamilya ng Pop Royalty. Kuwento ni Jerry, tinawagan siya ng driver ni Sarah at ipinasabi raw ng Pop Princess na mauna na silang umuwi, kaya nag-text siya kay Mommy Divine para tanungin kung ano ang gagawin nila.
Ginawa raw niya ‘yun dahil ang nag-hire at nagpapasuweldo sa kanya ay ang mommy mismo ni Sarah. ‘Di raw sila pinaalis ni Mommy Divine at sinabi nitong papunta na siya sa venue.
Hindi raw ‘yun sinabi ng bodyguard ni Sarah sa Pop Royalty dahil nasa private room daw ito para sa isang dinner kasama ang buong pamilya ni Matteo sa KingCrab sa BGC.
Sey ni Jerry, after 15 to 20 mins. nang mag-text siya kay Mommy Divine ay dumating ito sa reception at sinamahan niya kung saan nagaganap ang naturang dinner at du’n na raw nag-umpisa ang komosyon.
Kuwento ni Jerry, “Sinabi niya, ‘Mga traydor kayo! Mga walanghiya kayo! Bakit ninyo ako niloko?’”
Du’n na raw nag-umpisang magpalitan ng mga pangit na salita ang parents ni Matteo at si Mommy Divine.
“Tapos, nu’ng ano na, mga 20 mins. siguro ‘yung (iskandalo), kasi nagharap na ‘yung daddy ni Matteo at saka si Ma’am Divine, muntik pa ngang saktan si Ma’am Divine ng daddy ni Sir Matteo kasi nanggigigil na kasi may alitan na nangyayari dati pa, ‘di ba?”
Aniya, umaawat daw siya dahil nga sa balak na saktan ang amo niya. Mga sampu na lang daw ang tao na naroon dahil bill out na.
Sey ni Jerry, inilayo niya si Mommy Divine sa daddy ni Matteo at isinama niya si Sarah para mag-usap ang mag-ina. Du’n na raw dumating si Boss Vic del Rosario ng Viva at kinausap si Mommy Divine kaya pumunta si Sarah kay Matteo.
Sinabihan daw niya si Mommy Divine na dadalhin na ng pamilya ni Matteo si Sarah at sa fire exit sila dadaan. Pinasunod daw siya ni Mommy Divine kay Sarah. Sinabihan daw niya si Sarah na bago umalis ay kausapin muna si Mommy Divine. Sagot daw ni Matteo ay huwag siyang makialam dahil asawa na niya si Sarah. At du’n na raw siya nito sinuntok.
Dumating din daw si Daddy Delfin na tapos na ang komosyon. Sa ngayon, wala pa rin kaming naririnig na pahayag mula mismo sa parents ni Sarah at maging sa bagong kasal kaugnay ng kontrobersiyang ito.vjv
Comments