Habambuhay na kulong at multa sa gagamit ng NGO para mapadali ang permit sa poultry business
- Persida Acosta
- Feb 25, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Galing abroad ang aking mga magulang at gusto nilang dito na manatili matapos makaipon nang sapat para makapagpatayo ng sariling negosyo. Pinili nila ang poultry business subali’t nahihirapan silang padaliin ang proseso sa pagkuha ng mga permits para sa importasyon ng kanilang mga produktong higit sa P2,000,000.
Natutunan nilang gumamit ng non-government organization para mapadali ang proseso kaya naipagpatuloy nila ang kanilang negosyo halos isang taon na ngayon. Gayunman, kahit sila lamang ang namumuhunan sa poultry business, may nakapagsabi sa kanila na mali at maaaring maituring na ilegal ang kanilang ginagawa. Tama ba ito? - Lupin
Dear Lupin, Para sa inyong kaalaman, ayon sa Republic Act No. 10845 o mas kilala bilang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016,” maliwanag na ipinagbabawal ang paggamit ng anumang samahan upang mapadali ang pagkuha ng permits kaugnay ng poultry business.
“SEC. 3. Large-Scale Agricultural Smuggling as Economic Sabotage. – The crime of large-scale agricultural smuggling as economic sabotage, involving sugar, corn, pork, poultry, garlic, onion, carrots, fish, and cruciferous vegetables, in its raw state, or which have undergone the simple processes of preparation or preservation for the market, with a minimum amount of one million pesos (P1,000,000), or rice, with a minimum amount of ten million pesos (P10,000,000), as valued by the Bureau of Customs (BOC), is committed through any of the following acts:
xxx xxx xxx
(f) Organizing or using dummy corporations, non-government organizations, associations, cooperatives, or single proprietorships for the purpose of acquiring import permits […]” (Binigyang-diin.)
Samakatwid, maaaring mapanagot ang inyong mga magulang sa large-scale agricultural smuggling bilang economic sabotage sanhi ng kanilang paggamit ng non-government organization para lamang mapadali ang pagkuha ng mga import permits. Ayon sa Section 4 (a) ng parehong batas, maaari silang maparusahan ng:
“SEC. 4. Penalties. – (a) The penalty of life imprisonment and a fine of twice the fair value of the smuggled agricultural product and the aggregate amount of the taxes, duties and other charges avoided shall be imposed on any person who commits any of the acts enumerated under Section 3 of this Act […]” (Binigyang-diin)
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments