EDSA People Power Anniv, walang coding — MMDA
Gina Pleñago
Feb 25, 2020
1 min read

Suspendido ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding ngayong araw.
Batay sa MMDA, ang pagsuspinde ng number coding ay para bigyan-daan ang EDSA People Power Anniversary ngayong araw.
Ang sasakyan na may plakang nagtatapos sa 3 at 4 ay maaaring makabiyahe bukas na walang manghuhuling MMDA traffic enforcers.
Kasama na rin sa nagsuspinde ng number coding ang Lungsod ng Makati dahil sa special non- working holiday.





Comments