top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

ABS-CBN, dapat noon pa nagsori — Palasyo.. Masyado kayong mayabang!

Mylene Alfonso
Feb 25, 2020
1 min read

Matagal nang dapat na humingi ng paumanhin ang ABS-CBN kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi pag-eere ng kanyang campaign material noong 2016 Presidential Elections.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, masyadong mayabang ang ABS-CBN.

“Dapat noon pa nila ginawa”.

“’Yun nga sinasabi ni Presidente. Alam n’yo na na may atraso kayo. Ano bang… May ginawa ba kayo? Wala, ‘yun ang tinatawag niyang hubris. Masyado kayong mayabang,” ani Panelo.

Samantala, nasa pagpapasya na umano ni Pangulong Duterte kung tatanggapin o hindi ang sorry ng ABS-CBN.

“Na kay Presidente ‘yun. Matagal nang nangyari ‘yun. Kumbaga, kung hindi nag-alboroto sa ‘yo tsaka ka lang hihingi ng paumanhin. Na kay Presidente ‘yun. I don’t know how to respond to that. It’s a personal decision,” dagdag pa ng kalihim.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page