3 kelot, tiklo sa tupada

Timbog ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang tatlong kalalakihan matapos salakayin ang ilegal na tupada, kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Severino Reyes St. at Fugoso St., Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay PMajor Rosalino Ibay, Jr., kinilala ang mga suspek na sina Renato Ignacio, 44; Noli Mercado, 32, at Aries Flores, 26.
Ayon kay PSMS Jay Jay Jacob, alas-4:30 ng hapon nitong Linggo, nang salakayin ang tupada sa kalye.
Nabatid na ang lugar ay magkasanib na sinalakay ng SMaRT at MPD-Police Station 3 sa pangunguna ni PLt. Col. Reynaldo Magdaluyo.
Nagkanya-kanyang takbo naman papalayo ang mga manunugal at tanging tatlo lamang ang nadakip ng mga awtoridad.
Kaugnay nito, sinampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1602 (Illegal gambling/ cock Fighting ang mga suspek kung saan nakuha sa kanila ang dalawang set ng tari; dalawang buhay na manok na panabong at P1,000 na may iba’t ibang denomination.





Comments